(written sometime 1998)
Malabo tlagang makialam ako sa isyung Mindanao. First year palang ako, namulat na ako sa katotohanang ang sistema ng gobyerno’y sing bulok ng mga tae ng mga nagpapalakad dito. Alam ko, naka-usap ko yung mga taga Muntinlupang biktima ng isang malaking pusakal na ito. Sila yung mga bayani ko. Mga bayaning hanggang sa ngayon ay hindi nabibigyan ng boses upang mrinig. Ganon talaga eh, demokratiko tayo diba?
Oo, binulag ko’t gianawang bing ang sarili upang mapanatili kong pinanghahawakan ang aking sariling bait. Sabi nga sa pelikulang What Dreams May Come, kung taga-langit ka at bibisita ka sa baba, ng pinakamasamang mangyari sa’yo sa impyerno aya ng mawalan ka ng sariling katinuan. Dahil pag-nangyari iyon, hindi kana makakabalik. Ayokong mangyario sa akin yon. Pero dsahil pinilit kaming makinig sa usapang ito, bumisita ako sa impyerno.
Yung babaeng nagsalita, taga-Mindanao, Moro siya. Hindi ko nakuha yung pangalan niya, pero natatandaan ko lahat ng sinabi niya. Simple lang naman eh, nakikipaglaban ang mga taga-Moro pra sa tatlong simpleng bagay: PAMUMUHAY, TERITORYO, at BUHAY.
Umuugt ang pakikibaka ng mga taga-Moro simula pa ng panahon ng mga Amerikano. Ayoko na ring bilangin kung ilang taon na ang nakalipas. Pero sa madaling salita, ang lahat ng mg kasali sa madugong pakikipglaban ngayon ay produckto n ;lamang ng mga naklipas na henersyon. King iisipin mo, bata ka, pangarap mo ay yung hindi magkaroon ng Barbie o GI Joe, kundi magkroon ng sariling teritoryo. Bata ka at tumanda kanbg walang ibang nakikita kundi patayan, at mga armas. Ano bang magagawa mo?
Napaka-raming katotohanang parang mga kending ipinamigay lang ang siyang isinambulat nung babae. Mga katotohanang inakalang gintong pinagkatagu-tago ng gobyerno. Mga katotohanang sapat upang masuka ka sa ilang ulit pang beses na pinabahong sistema hanggang ngayon.
Panahon ni Marcos, 28 na kabatng Moro ang syang isinailalim sa masusing pagsasany pr sa isang opersyon. Nung malamn nilng ng Operasyon ay ang Sabah, tumanggi sila, Ayaw nilang patayin yung ilang mga taga-Sabang Moro na naninirahan na doon. 28 ang pinagsanay, 27 ang pinatay. Yung isa, nabuhay para magkuwento. Yung moral ng istorya, kahit na anong gawin mo parar matanggap ng gobyerno, sa isang beses na magsiklab ka, o humadlang, o magbigay ng kritisismo, puwede kang mamatay sa isang iglap. Simple lang, gusto ng gobyerno, kunin yung lupa niyo, mataba, masagana. Kung ayaw niyo, edi papatayin nila kayong lahat.
Ang pakikipaglaban ng mga taga-Mindanao ay hindi para manggulo lang, o mag-aksaya ng buhay ng kapwa nito. Nauubos ang lupa nila, naitaboy na nga sila sa liblib-libliban ng mga bundok, at lalung nauubos ang lahing Moro. Kailangang kumilos para mabuhay.
“Pagkilala, pagrespeto, pagtulong o pagsuporta, panawagam at pakikibaka ng mamamayang Moro na hindi matatapos ito yon at magtuloy-tuloy yan hanggang sa ganap nilang makita yung ganitong klaseng pakikibaka,” mga salitang pilit na ipagsisigawan ng libu-libong Pilipinong tumaghoy mula sa kanilang libingan. Pero hanggang ngayon, walang nakakarinig.
Naniniwala parin ako na ang paghihirap ang siyang nagbubuklod-buklod sa mga tao. Maaaring ang pangarap ng isang batang Moro ay mabibigyang kaganapan balang araw kung sa paunti-unting pagsandok ng kutsara sa gabundok na problema ay sisimulan na. Dashil sa bawat likod ng bundok na umaanino sa lupang ito, ay sisinag ang isnag liwanag na hanggang ngayo’y pangarap natin. Hanggat may nagsisiklab, hangga’t may nakapgbibigay ng ktarungan sa bawat kinitil na buhay, may pag-asa. Maaaring ginawa na nga tayong tanga ng mg kano, pero alam kong hindi tayo napapagod agad.
Maaaring ako’y tama, maaaring ako’y isang makata lang. Produkto lang naman din ako ng mga kanong luminang sa ating isipan. At dahil doon, ganap parin ng aking katangahan. Buti nalang, nakabalik ko sa aking katinuan.